| garfield kat20 I am old enough to know better and young enough not to care |
|
the writer name: kathy
sex: female
age:25
country: Philippines
i love... garfield, dolphins, reading (HPseries addict)and exploring the great outdoors
i can't...eat shrimp :(
archives March 2004 links credits designed by : w4rnawarni |
Tuesday, September 23, 2008 December 30, 2008 sa Manila Cathderal, magsisimula ang bagong kabanata sa aking buhay ay magsisimula. Ito rin ang araw na pinagdiriwang naming ni mark ang ika-tatlong anibersaryo. Walang pormal na proposal na nangyari dahil noong nagsimula pa lang kami hindi ako tinong ni mark kung pwede akong maging kasintahan datapwat ang kanyang sinabi ay gusto kitang pakasalan at ayoko ng humanap ng iba. At doon nagsimula ang aming “three year plan”.
|
its been a while since i last blog, obviusly my last entry was march 07 and 2008 is almost over. many things have changed..like my work. started with another company last april 07 then before i experience my first anniversary a big announcement came in that we are acquiring another company. and for me that will be another adjustment because i have somehow enjoyed the fact that im a one man team. and now i have to adjust to a new set of teammates that has their own routine. this september we transfer to our new home in equitable bank tower from the enterprise center. imagine that. ok lang sana coz maganda naman yung layout ng office and problem lang namin maraming sinyoritang namamasyal. and this one time, they even ate my food in my pedestal. tama ba yun?! inahan pa ko. Sa unang taon ng aming relasyon, ang aming adhikain ay magkaroon ng sariling sasakyan. Kaya noong binenbenta ng aking kapatid ang kotse nila mula sa kumpanya kinuha na naming kaagad. Alam kasi namin na maayos pa ito at mura lang. Ang kotse ito ang nagsilbing bahay namin dahil madalas lahat ng gamit namin iniiwan na lang namin dito. Ngunit ito rin ang nagbigay sa amin ng sakit ng ulo. Nanakaw sya noong minsan buti na lang naibalik sa amin ng pulis. Tapos noong minsan sinusundo nya ko, binangga sya ng isang pajero. Buti na lang may insurance. Sa ikalawang taon, sabi namin dapat makapagsimula na kami sa paghulog para sa aming bahay or sa lupa man lang. Ngunit hanggang ngayon wala pa din kaming nakukuha. Ang pera namin para dito ay nailaan namin para sa pagtulong sa pagtayo ng isang kompanya ng aming mga kaibigan. At ngayon sa aming ikatlong taon, ang pera namin ay nakalaan para sa kasal. Mahigit isang taon na namin sinimulan and preparasyon para dito. Madami kasing may gusto sa Manila Cathderal (MC), so Hulyo 2007 pa lamang halos puno na ang petsa na nais namin kaya biglang napabilis ang pagsisimula naming sa preparasyon. Una kong sinabihan ang aking mga kapatid sa Canada dahil kailanggan din nilang mag-ipon sa kanilang pag-uwi. Mabigat din ang gastusin na iyon sapagkat buong pamilya silang uuwi. Ilang buwan pa ang nakalipas bago ko sinabi sa aking mga magulang at sa magulang ni mark. Tuloy tuloy din ang paghahanap namin ng mga supplier pagkatapos namin mapa-reserve ang MC. Nariyan din ang frustration ko sa paggaganapan ng salu-salo. Gusto ko talaga sa Father Blanco’s Garden sa loob din ng Intramuros kaya lang gagamitin na ang lugar na ito ng mga Agustinian Priest at patatayuan ng seminaryo. Noong nalaman ko yun ang unang sumagi sa isip ko ay ang Coconut Palace dahil naikot na namin ang buong Intramuros wala akong ibang nagustuhan. Gusto ko kasi garden reception. Pagdating namin sa Coconut Palace may naka-reserve na sa araw namin. Sobra akong nagulat dahil ganoon pala kaaga magsimula sa preparasyon ang ibang ikakasal kala ko napaka-aga ko pa. Kaya kinalaunan naguwi kami sa Orchidarium and Butterfly Pavilion. Hindi sya papular tulad ng unang mga napili ko pero maganda rin sya dahil puno din naman ng halaman. Pagkatapos nito, naghanap na kami ng caterer at sa suhestyon ng aking kaibigan kinuha namin ang Swan Catering Services. Pagkatapos nito tumigil na kami. Lumipas ang ilang buwan nakapag-book pa kami ng ilang supplier tulad ng Nextgen para sa photo-video, RejectKrew para sa lights and sounds, Pose N’ Print para sa photobooth, at G Hotel. Madami pa din ang kulang. Madami pa din ang hinahanap na supplier at nauubusan na ako ng option dahil peak season ang aming kasal. Sana mahanap na namin ang mga supplier na kailanggan namin. anyway, a stopped blogging din for a while because im still not ready to tell everybody that i've really on the way of starting a new chapter in my life. of course only my family and close friends know. daming haka-haka pero sabi ko chismis lang yun. and now 3 months to go, i dont know if i have to feel excited or afraid. but now im happy for the decision i made. i finally found my better half. | |