garfield kat20
I am old enough to know better and young enough not to care

Thursday, June 30, 2005

mag-3 buwan na din pala ako. hindi ko man lang namamalayan. siguro ganun talaga kapag nag-enjoy. so far ok naman ako sa ginagawa ko madami pero kaya naman. makulit ang mga tao dito lalo na yung boss ko. sabi nga sa akin ng isang kaibigan, "hindi ka ba nagsasawa sa kanya parang day in day out kausap mo sya kahit di kau magkasama?" nasa fieldwork kasi kami nung mga panahong nagtanong sya nito kaya ang sagot ko mas nakakatakot kapag hindi nagtext yan. magulo syang kausap parang babae, sobrang maarte sa damit, sa gamit pati sa trabaho. sa hilig nya sa damit lagi kaming umaalis para mag-window shopping, oh di ba, hindi ko talaga gawain ito. pagpumunta ako ng mall dapat may bibilhin lang ako pero hindi talaga ako naglilibot. grabe sya, megamall at galleria nalakad na namin lahat ng floor at lahat ng sulok. kakaiba. ang lakas pa mamintas. kaya madami din nagtatanong sa akin kung bading ba sya...yung mga nakwentohan ko lang. pero pagnakilala mo sya hindi talaga. metro pa siguro malamang dun ko sya mahahanay.

pagdating sa trabaho lagi kaming nag-aaway wala kasing gustong magpatalo. minsan nga sabi nya sa akin nakakalimutan na nya kung sino sa amin ang boss. ang lakas namin maghiritan at maglaglagan kaya yung ibang tao nagugulat lalo na yung mga ka-opisina kasi nga parang hindi ko sya boss. sabi nga nya hindi nya daw ako mahiritan kasi babalikan ko talaga sya, actually, ganun din naman ako. alam ko din kasi kung pano manlait kaya ibang tao na lang ang nilalait namin kasi ang hirap kapag kaming dalawa.

obvious naman siguro na natutuwa ako sa kanya. napaka-complex nya kasi sa labas pero once you get a hang of it ok sya. madalas kinakatakutan sya dito ewan ko nga ba kung bakit ni minsan di ko naramdaman yun. ngiti lang ang katapat nyan. tantyahan na lang.

kat @ 6:24 PM

|