| garfield kat20 I am old enough to know better and young enough not to care |
|
the writer name: kathy
sex: female
age:25
country: Philippines
i love... garfield, dolphins, reading (HPseries addict)and exploring the great outdoors
i can't...eat shrimp :(
archives March 2004 links credits designed by : w4rnawarni |
Tuesday, November 16, 2004 Noong ako ay nasa elementarya ni minsan hindi ko pinangarap na mawili sa pagguhit. Lagi akong bagsak sa klase ko sa Sining. Pagtungtong sa mataas na paarala naenganyo akong gumuhit dahil sa isang kaklase. Sya ay marunong magpinta at lagi akong namamangha sa kanyang mga larawan. Napansin ito ng aking ama kaya noong minsang dumalaw sila sa kanyang kababata sinama nya ako. Pinakilala ako kay Martin Manero, isa syang magaling na pintor. Madalas ihalintulad ang kanyang mga likha kay Fernando Amorsolo. Palibhasa kultura nating mga Pilipino ang kanyang ginuguhit.Isang araw lang ako nalagi sa kanilang tahanan nun. Tinuruan nya ako sa pag-gamit ng mga bagay-bagay sa loob ng isang imahe. Natuto ako ng madami sa kanya lalo na sa paghalo ng kulay at hubog sa isang larawan. Di ko makalimutan ang araw na yun dahil doon ko sineryoso ang hilig ko sa sining. Hindi nga lang ako nagging pintor. Makalipas ang maraming taon, Oktubre 28, 2004 binawian ng buhay ang aking idolo sa sakit na diabetes. Hindi nya kasi naalagaan, ang sabi nya hindi sya naniniwala sa dieta at gamot dahil kung mamamatay sya kukunin na lang sya kahit saan pa sya. Nakalulungkot dahil dalawa lamang sa kanyang nilikha ang iniwan nya sa kanyang pamilya. Yung isa ay larawan ng kanyang asawa at yung isa naman ay ang una nya pininta na nanalo ng international prize. Ngunit maganda ang alaalang iniwan nya sa akin, sa kanyang mga kaibigan at sa kanyang pamilya.
SIDEWALK FRUIT VENDOR ![]() SIDEWALK FISH VENDOR
COCK FIGHT
| |