garfield kat20
I am old enough to know better and young enough not to care

Monday, October 11, 2004

wala lang akong magawa sa buhay ngayon kaya eto dito muna ako sa blog. matagal na panahon na din akong hindi nakakapag-blog.

halos one month na din pala ako dito hindi ko man lamang naramdaman. nag-enjoy nga talaga ako. ang kulit ng mga tao dito, pero syempre may halo pa ding maturity kahit konti. dito kailanggan bading ka. kung babae ka dapat babaeng bakla ka pa din. ang sabi nga nila naglipana ang kabadinggan dito.

ngayon ko lang nalaman na ang trabaho pala ng manager ay gumawa ng report at sang katutak pang report. edi syempre ang alam ko lang na report ay yung puro numero at graph kaya ayun ang report ko lang ang puno ng makukulay na graph at sandamakmak na numero.

sana within the week dumating na yung mga pcs para wala na akong problema. makakapaghire na ko ng mga tao.


kat @ 10:43 AM

|