| garfield kat20 I am old enough to know better and young enough not to care |
|||||
the writer name: kathy
sex: female
age:25
country: Philippines
i love... garfield, dolphins, reading (HPseries addict)and exploring the great outdoors
i can't...eat shrimp :(
archives March 2004 links credits designed by : w4rnawarni |
Monday, August 16, 2004 Lucky Friday the 13thLast friday my friends from the office decided to go out. We are planning to hangout at red box. however we opt to stay in temple, greenbelt. They let us fill out a stub when we arrived. We had dinner and talked about my leaving them behind. After dinner, there was this fashion show organized by studio 23 as part of their "after six at the city". and they announced that they are giving away a motorola e398, the hellomoto. and guess what, i won! and this is my 5 mins of fame. i couldnt get the words out of my mouth. worst part is im not in my usual gimick mood so im just wearing a maong pants and a "limited" tshirt. its a good thing i already drunk a bottle of beer, at least i wasnt that pale. | Friday, August 13, 2004 malapit ng matapos yung class ko sa masters at ito na ang huling term na attend ako ng regular class sa school. dahil wala na kong balak kumuha ng phd. sa 17 years na pagpasok ko sa paaralan madami akong teachers na nakilala at tumatak sa akin....madaming nagtataka kung bakit ang bata kong naka-graduate sa college. hindi po ko na-accelerate at hindi din ako pumasok ng maaga hindi ko lang alam kung paano nangyari na natapos ko ang nursery at kinder ng isang taon. nakakatuwa kasi ang gusto ng nanay ko ipasok ako sa little angel, noong time ko ito ung magandang school sa may area namin pero hindi ako nakapag-aral dun. noong ipapasok na ako dun may nagbukas na school na malapit sa amin little children ang panggalan ang akala ng nanay ko iisa lang yun kaya dun ako pinasok. noong mag-aaral na ko sa St. Theresa's College (STC) doon lang nila nalaman na magkaiba pala yun. ayaw akong tanggapin sa stc dati kasi kulang pa ko sa edad pero pumayag na din sila. noong grade 1 naging teacher ko si ms. limpin, PE teacher sya, at hanggang ngayon hindi pa din nya ko nakakalimutan. hindi dahil sa teachers pet ako kasi ako lang ang student nya na hindi marunong magtali ng sapatos. tuwing may PE kami lalapit ako sa kanya para magpatali ng sintas. kapag nahihiya ako sinusuksok ko na lang sya sa sapatos. ilang beses nya ko tinuruan pero di ko talaga makuha kaya kung hindi sya yung ibang classmate ko tigatali ko. siguro ito ang dahilan kung bakit lahat ng PE teacher noong grade school ako kilalang-kilala ako. baka nabanggit nya sa iba kasi hindi naman ako magaling sa sports. ang math teacher ko nun ay isang teror, lahat kami takot sa kanya. pero nakita nya kagad ang potential ko yun nga lang ang sabi nya magalaing ka sa pag-solve kaya lang parang kinahid ng manok ang sulat mo. kahit kelan pangit talaga penmanship ko. noong grade 3 kasi di ka pwede mag-ballpen kapag magulo pa penmanship mo. kaya lang ako pinayagan mag-ballpen kasi pagtungtong ng grade 4 lahat kami di-ballpen na. mahina din ako sa english naalala ko yung teacher ko noong grade 2 (or 3 ba yun?) gustong kausapin yung parents ko. maganda yung teacher ko na yun parang amerikana ang nakipag-usap sa kanya yung kaibigan ng tatay ko na ang tawag namin ay batman. kaya naman noong tinanong ako ng teacher ko kung sino kasama ko ang sabi ko si batman. natawa lang sya at ang sabi ang lawak ng emahinasyon ko. tsaka na lang nya napagtanto na batman ang tawag ko doon sa kaibigan ng tatay ko. grade 3 ako nang yung science teacher ko pinagalitan ako sa sobrang ingay ko pinaupo ako sa ibabaw ng bookshelf sa likod ng classroom kasama yung dalawa pang classmate ko. pero noong time na yun binu-bully nila ako. sila din ang nagsabi na nangongopya ako sa math kaya kami pinaghiwalay noong isang test tas ako ang naka-perfect at sila bumagsak. grade 4 si miss garcia teacher ko sya sa sining at kultura, pinagdala nya kami ng needle e nakalimutan kong magdala. ang parusa magsulat ng "i will bring my needle tomorrow" ng 100 times sa pad paper. grade 5 si miss mesa, mahina talaga ako sa english binabagsak ko yung subject nya per trimester bago magtapos yung 3rd term kinausap nya ko at biniro na kaya daw ako bumabagsak dahil hindi ako nakikinig sapag kurot sa ilong ko...hehe, panggo ako kaya di masakit. pero pabiro lang naman nya ginawa yun. grade 6 si miss aniago ang aming homeroom teacher ang bait nya. si miss ang naman ang math teacher ko nun di ko din sya makakalimutan kasi sya ang unang nagturo sa akin ng algebra na naging paborito kong subject. noong highschool... si miss fajardo teacher ko sya sa science noong 1st year at math noong 2nd year. si mr garlit, true to his name galit kami kanya. saan ka naman nakakita ng religion teacher na kailanggan mong i-memorize ang lahat ng books sa bible at lahat ng panalanggin sa tagalog...hina ko pa naman sa memorization. yung mga oustanding student (OS) lang pumapasa sa kanya, tapos 3ng taon ko pa yata sya naging teacher...hay! napatalsik na sya sa school kasi may nabuntis syang estudyante. tsaka si mr macaranas (aka mr makarantot) kasi naman ang maniac nya noh. kaya yata pinagbawal na ng mga madre namin ng lalaking teacher. si ms. claudio, favorite ko ito. umpisa ng class may mag-recap ng pinag-aralan kahapon kaya sa paulit2 mong maririnig mamemorize mo na yung lecture tamang tama kasi history teacher sya. hindi ko na matandaan yung isang teacher sa filipino pero grabe pumorma. sa 4 na taon ko sa HS ni minsan di sya nag-ulit ng damit. si mrs billiones ang naging fav teacher ko sa english. ewan ko ba noong HS ako filipino na binagsak ko at sa english na ko nag-excel, wag lang sa spelling ha. si miss magadan, sumalangit nawa ang kaluluwa nya, ang mahal kong ina noong 4th year. minsan akong natawag na teachers pet at yun ay dahil sa kanya. anghel yata ako sa paninggin nya. sya ang una't huling teacher na nagsabi sa akin na tahimik daw ako. ewan ko ba kung dapat ba akong matuwa dun. physics ang tinuturo nya at sobrang tuwang-tuwa ako sa kanya. (paumanhin po hindi man lamang ako nakapagpaalam noong burol nyo) tama nga ang kasabihan ang mababait unang kinukuha at hindi mo matatakbuhan si kamatayan. at syempre pa ang teacher ko sa economics na naging dahilan kung bakit ako kumuha ng eco ngayon si ms santos. grabe ito sinumpa ng lahat ng estudyante, tinawag na mukhang kabayo at nagpakawala kami ng daga (lab mice naman) sa classroom para lang matakot sya. kasi naman ano, 3rd year lang kami pagawin daw ba kami ng thesis. hindi yung simple lang ha, extensive reasearch talaga. tapos 3month lang at ang grouping pa nya by grade kung sino yung magkaka-grade magkakasama. e noong nag-grouping sya yun yung grading system na lahat ng grade ko mababa dahil hindi ako nakapag-quarterly exam dahil may sakit ako. pero thanks to her na rin pagtutungtong ko ng college eco kinuha ko dahil sinumpa ko sa sarili kong babalikan ko sya. kahit wala na sya ngayon sa STC nakuha ko pa din malaman kung saan na sya nagtrabaho. __________ bio class... teacher: class, you have to make a research topic on cell divison student: miss, when is the deadline? teacher: research on that _____________ famous line na sinabi ng mga teacher namin noong HS "wag kayong maging bulok na kamatis" "form a straight circle" "ang kukulit nyo, ill make a petition na lahat kayo mag-repeat ng 3rd year" __________ sa Unibersidades de Santo Tomae, halo-halo na naging prof ko may mukhang basahan na maka-marcos pero sobrang strikto. may perfect or zero lang ang grade. may tumatawa mag-isa or natatawa sa mga sobrang babang joke. may sobrang hangin na naging prof daw nya si gregorio zaide kaya daw magaling sya. (ai hello, lolo ko po yun at hindi mo sya na-describe ng tama kaya hindi totoo ang sinasabi mo!) may teacher na ang lakas ng mood swing. may teacher na 3ng oras yung class pero first and last 30 mins lang pumapasok dahil yun yung oras na dumadaan yung checker. at syempre ang fav teacher ko si miss rosete, nagigising nya ang class kahit gano ka-boring ang subject na tinuturo nya. tsaka si mam baluyot grabe magturo ito enjoy talaga pagiisipin ka ng husto. at ang ina ng class ko sa eco si mam clara, madami kaming natutunan sa kanya kuripot lang talaga magbigay ng grade pero buong pamamalagi ko sa majoring kasama namin sya. na miss ko ang school kaya after 2years kumuha ako ng masters ko sa DLSU-Taft ang naging fav prof ko si U-Primo sa econometrics natuwa ako sa mag-lecture notes nyang naka-pdf file na pinapadala sa amin. si dr austria, grabe step by step nyang tinuro ang paggalaw ng graphs sa macro. si dr unite na 1yr namin prof sa mateco, fineco at portfolio na hanggang ngayon di ko pa din mawari kung saan kumukuha ng tanong sa exam. at syempre sino makakalimot sa dance move ng zero-infinity-sero ni dr tullao na sa unang pagkakataon nakatanggap ako ng sylabus ng international economics na nakasulat sa tagalog. kakawawa foreigners namin hindi naintindhan pero salamat sa kanila kung hindi mahihirapan kami dahil tagalog talaga daw sya magturo. hindi ko maimagine ang eco na tagalog _____________ ano ang tagalog ng dead-weight loss? ...hmm, ito ba ay namatay na bigat na nawala ________________ hindi ko inakalang tatagal ako ng ganito sa academe pero dadating ang araw na magtuturo din ako upang ma-share ko din sa mga susunod pang henerasyon ang mga natutunan ko sa aking mga guro... ************** meroong 4 na magandang university sa pinas, napansin ko lang sa UP na lang pala ako hindi nakapag-aral..minsan nga masubukan kahit crash course lang gaya ng ginawa ko sa Ateneo :) |
Thursday, August 05, 2004 si roni_bats....may kaibigan ako sa opisina na nagpasa sa aking ng isang website: http://gutterboy.blogdrive.com kala ko kung ano. since alam nya na ako ay nag-blog sabi nya sa akin basahin ko daw ang nilalaman ng blog na ito. simula noong binigay nya sa akin ito, ako ay matuturinggang isang adik. hindi ko kilala si roni_bats, nababasa ko lang ang mga artiks nya kanyang blog. dati nag-babasa ako ng peyups (kung saan sya ay isang kolumnista) paminsan-minsan. sumasali pa nga ako sa mga forums noong ngunit dahil sa gulo at dami ng dapat gawin nakalimutan ko na ang login ko dun. hindi ako taga-UP ngunit madami akong kaibigan galing doon kaya ko nakilala ang kanilang site. dahil sa sobrang aliw ko sa taong ito ilalaan ko entry na ito para sa kanya...sana mabasa nya ito...para kay roni.. maraming salamat. lubos akong naliligalig sa pagbabasa ng mga inilalathala mo. hindi man kita kilala ika'y naging inspirasyon para sa akin. sobrang bilib ako sa iyo. sa demands na meroon ang med school nakuha mo pa ding sumulat ng mga artiks na nakapgpapaligaya sa madaming tao. ang lalim mo mag-isip sobrang kakaiba. ang sarap mo sigurong kausap parang kahit ano sa ilalim ng araw pwedeng topic. ano kaya ang hindi mo kayang gawin? sana ay makilala kita minsan. aminado ako na ngayon ko pa lang nababasa ang mga artiks mo kaya sinisimulan ko sa umpisa para mas makilala pa kita. yung artik mo na M.D. - grabe bow talaga ako. iilan na lang ang tao dito sa pilipinas na minamabuting mamalagi dito upang tumulong sa bayan. dati akong naging bahagi ng UNICEF at nakita ko ang hirap sa probisya lalo na sa liblib na lugar. hindi ko masasabing ako ay dakila sa pagtulong sa mga kapuspalad. ngunit malaki ang paghangga ko sa mga taong unang iniisip ang kapakanan ng iba kaysa ng sarili. yung tama na ang sapat at yung sobra ibahagi naman sa iba. dahil sa iyo na-miss ko tuloy ang kolehiyo. na-miss kong mag-aral at makipagkulitan sa aking mga klasmate at asarin ang aking mga guro. hindi man ako nabibiyayaan ng talinong taglay mo kahit papaano nakapagtapos naman ako ng maayos. ngayon akoy kumukha ng masters degree na kinagulat ng lahat ng nakakilala sa akin noong college. hindi ako mahilig mag-aral, katulad mo hindi ako mahilig mag-memorize. math ang forte ko kaya sa class namin pagdating sa subjects na may analysis at math ako na hinahayaan nila at kapag kailanggan mag-memorize sila na bahala sa akin. nagiging team effort ang pagsagot sa mga exam buti na lang hindi kami nahuhuli. natutuwa din ako sa mga "methinks" mo. naiisip ko dati noong na-wirduhan sa akin ang mga kabarkada ko noong tinanong ko sila sa mga ganyang klaseng bagay. noong minsan kasi nag-survey ako kung ano mas gusto ng lalaki at babae, kiss or hug. at dito ko napagtanto na iba talaga ako mag-isip kasi lahat ng tinanong kong lalaki kiss at baba naman sa hug, ngunit ako kiss ang sagot ko. bago ko kasi tinanong ito sa kanila madaming nagsabi sa akin na pagdating sa pakikipag-relasyon para akong lalaki mag-isip. kaya siguro yung mga kaibigan kong babae lagi na lang sinasabi sa akin "sana naging lalaki ka na lang" at ang mga kaibigan kong lalaki kung pilosopiya sa pag-ibig lang ang pag-uuspan ako ang "dream girl" nila. hahahaha! naniniwala ako na matatapos mo ang iyong kurso on time at ang nais mo na maging cum laude ka...sa talino at sipag mong yan hindi akong magdadalawang isip sa pagsabing sisiw lang sa iyo yun. kayang kaya mong makuha yun. again, salamat ng madami... ---ang iyong taga-hangga--- | Wednesday, August 04, 2004 ![]() You're orange. You're strong and have the reflexes of a tiger. You're overly protective, and those skills come in handy... You're a natural person, with a taste for natural foods (I mean organic, here.). Well, that's not true. ...Just food in general! You're as quick-witted as your reflexes, and sometimes painfully logical. You love wild animals and pets. (Preferably wild animals!) You're a natural person, and a true child of Gaia. You're a stimulating, and outgoing person. You enjoy making people think, especially with your infectiously spontaneous attitude. You're a generally optomistic person, with a love for showing off all of your good traits. Although many people may see you as strung-out, or just plain weird, you're very down-to-earth and humble. You're incredibly sweet (as this color's other name!), and you care about people in general. As this color would describe, you're energetic beyond all human comprehension. You've got a nack for drawing, and you enjoy it, too. When it comes to school, you're a good listener with an even better memory. You're studious... At least when you need to be! What color are you? (Amazingly detailed & accurate--with pics!) brought to you by Quizilla | Tuesday, August 03, 2004
|
||||